Linggo, Enero 22, 2012

IDENTITY CRISIS

Lahat tayo ay may pagkakakilanlan. Pero sadyang may mga taong kahit sarili nila ay 'di makilala. Maraming  mga  bagay nga sa mundo ang nagiging dahilan ng ating pagkalito sa ating mga sarili para makabuo ng mga katanungan na dapat mabigyan ng mga kasagutan. Karamihan sa mga dahilang ito ay bunga lamang ng ating mga kilos at gawa at maging ng mga taong nasa paligid natin.

Isama nyo na ako sa bilang ng mga taong litung-lito sa sarili. 'Di alam kung bakit nagkaganito ang mga bagay-bagay at kung pano ito wawakasan. Isa sa mga nagdudulot ng pagkalito sa akin ay ang aking kasarian. Alam kong hindi ako nag-iisa dahil marami kami at sila'y nasa paligid lamang na nagkukubli at ang iba naman ay masayang namumuhay na malayang ipaalam sa mundo na sila ay kabilang sa ikatlong kasarian.

Sapat bang maging batayan ang ating mga ari, mukha at boses sa pagtukoy ng ating kasarian?
Maaaring ganyan ang itsura at boses mo, pero kakaibang pagkakatao naman ang nasa loob mo na ayaw mong pakawalan para ikaw ay 'wag pandirihan , mahusgahan at ituring na parang ibang nilalang na nagmula sa ibang planeta.

Naniniwala ako na tanging lalaki at babae lamang ang nilikha ng ating Diyos, kaya nga pilit naming binabago ang mali sa aming katawan at isipan. Pero paanon nangyaring magigising ka na lang na mismong iyong puso't isipan ang naglalaban para gawin ang tama. Mali bang sundin ang ating nararamdaman para tayo ay sumaya at makagawa ng tama para sa ating mga sarili? Kelan ba naging mali ang maging masaya? Tama bang aminin natin sa ating mga sarili na tayo ang may mali at mga pagkukulang kaya umabot tayo sa ganitong pagkalito? Masyado nga tayong nabigyan ng kalayaang magawa ang mga gusto natin sa mundong ito, pero bakit may mga bagay na di naman natin ginusto pero tayo ang dinapuan? Marami din ang nagtatanong kung bakit  tayo dumadami gayong wala naman tayong matres para manganak. Masasabi mo bang ito ay nakakahawa at ito'y resulta lamang ng marurupok na damdamin pati na ang kapaligirang ating nakikita?

  Bakit kahit anong pilit mong pagtakas ay wala ka pa ring kawala, dahil sa  pakiramdam mo'y nananalaytay ito sa iyong dugo at kailangan mong mabuhay kasama ito. Isa pa sa lalong nakakapagpalito sa atin ay ang siyensya na naniniwalang ang lahat ng ito ay bunga lamang ng mga abnormalidad na nangyari sa lood ng sinsupunan ng ating mga nanay at nagaganap  na pagbabago sa ating mga katawan. Matatanggap ba nating mga abnormal tayo? Masasabi kong  pwedeng ganun nga , dahil sa hindi normal ang ating pinagdadaanan at ibang-iba sa karamihan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento