Sabado, Enero 21, 2012
Si Callboy at ang Parokyano
Karamihan sa atin ay sa simbahan ang punta tuwing linggo para magsimba at magpasalamat sa panginoon para sa mga biyayang ating natatanggap. Pagkatapos ay sa mga mall ang tuloy para kumain, manood ng sine at mamili ng mga bagay-bagay. Pero lingid sa kaalaman ng marami na ang mga sagradong simbahan pati na mga pasyalan ay pinamumugaran din ng mga taong ganid sa laman.
Talamak ang sistemang ito sa kamaynilaan. Nagkalat ang mga malalaswang gimikan sa paligid ng isang simbahan na bukas kahit tanghaling tapat para sa mga parokyanong handang maglustay ng pera para lamang sa panandaliang aliw. Meron ding mga kung anu-anong pampalaglag na nabibili at ang pinakasikat sa lahat ay ang isang mall kung saan makikita ang samu't saring nagbebenta ng laman at karamihan sa kanila ay mga estudyante na pinasok ang raket na ito para may pandagdag sa allowance na ibinibigay ng kanilang mga magulang na pilit nilang pinagkakasya.
Sino nga ba ang hindi mapipilitang magputa kung sa simpleng paghuhubad, pagpapatsupa at pagtira sa pwet ng mga parokyano ay kikita ka ng libu-libo. Karamihan sa dahilan nila e kung magsasalsal ka ay mapapagod ka lang pero kung magpapabooking ka ay may kikitain ka pa. Isa din sa mga nasaksihan ko ay ang mga callboy na magaling sa takbuhan at taguan, alas nila ang kanilang mga maaamong mukha at nakapaglalaway na katawan, pagkatapos ng tawaran ay dadalhin ka nila sa isang kwartong walang bintana at dun na magsisimula ang maaaksyong tagpo na kung saan dali-dali kang magbibihis at kakaripas palabas para habulin ang lalaking inupahan mo matapos nitong tangayin ang mga gamit at pera mo.
Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga taong positibo sa kinatatakutang HIV AIDS sa buong mundo ay marami pa din saatin ang hindi magawang mangamba at hindi kayang iwasan ang tawag ng laman at patuloy pa din ang pagrampa sa gabi para galugurin ang mga suluk-sulok para makahanap ng kaparehang makakasayaw sa saliw ng mapang-akit na musika.
Paano nga ba nila nasisikmura ang ganitong trabaho at nagagawang sirain ang kanilang dangal para lamang mabuhay at maabot ang kanilang mga pangarap? Hanggang kelan nila kakapalan ang kanilang mga mukha at lulunukin ang pambababoy sa kanilang mga katawan?
Alam ko na hangga't may mga mapagsamantala ay hindi matitinag ang ganitong sistema at
ito ay magwawakas lamang sa pamamagitan natin, dahil naniniwala ako na sa sarili natin magsisimula ang pagbabagong inaasam. Lagi din nating pakakatandaan na hindi tayo Diyos para manghusga, manira at mandiri, sapagkat tayo'y mga tao lamang at lahat tayo'y nagkakasala at natututo sa mga aral dito sa mundo upang bauinin ang mga ito hanggang sa maubos na ang mga pahina ng iyong buhay .
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento