Miyerkules, Enero 25, 2012

KUNG AKO'Y ISANG MATAYOG NA PUNO






                                            
Sa mga oras na ako'y nalulungkot ay wala akong ibang ginagawa kundi ang magbalik tanaw sa aking nakaraan. Maraming alaala ang gusto kong balikan pero masyadong malabo ang mga imahe na nabubuo sa aking isipan . Hindi naman ako nagyayabang dahil sa ako'y wala namang ipagmamayabang. Ang tanging hiling ko lang ay malaman kung ano ako noon at sa mga darating pang araw.

Tuwing pipikit ang aking mga mata ay tanging isang puno lamang ang aking nakikita. Isang punong matayog at malusog. Madalas kong ikumpara ang aking sarili dito. Sana tulad nya din akong matapang, matayog at kapakipakinabang sa mga taong nasa paligid. Sana'y ako'y isang puno na napapalibutan din ng mga kapwa ko puno.

Madalas kong marinig ang mga 'di pamilyar na boses. Mga tinig na lalong nagpapagulo sa aking isip at buhay. Marami silang sinasabi na nakakapanakit at nakakababa ng tingin sa sarili. Pero tikom pa rin ang aking bibig dahil sa ako'y umaasa  na sa aking pananahimik ay mananahimik din sila. Totoo ngang minsan ay nakakapagod nang magsalita. Mas mabuti pang ibulong mo na lang sa hangin kesa iparating mo sa mga taong 'di naman marunong makinig at tumanggap ng kanilang mga pagkakamali.

Marami na akong nagawang pelikula.Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa din ang aking tropeo? Ang tropeo na dapat ay matagal ko nang natanggap para sa aking magaling na pagganap sa mga pelikula ng aking buhay. Ako na nga ang direktor, artista, cameraman at tagapanood, ako pa din ba ang magpaparangal sa aking sarili?


Hindi pa ba kayo sawa? Lagi na lang kayo! Pwede bang ako naman? Kayo naman ang pumikit at managinip habang ako naman ay didilat para makita ko ang reyalidad na matagal nang pinagkait sa akin. Magbigay naman kayo! Hindi 'yung kayo na lang lagi. Hindi lang kayo ang tao sa mundo kaya 'wag kayong makasarili. May mga bagay din na para sa akin na dapat ay akin lang. Ang inyo ay inyo at ang akin ay akin.


Gusto ko nang wasakin ang mga bagay na aking nilikha para aking paniwalaan. Mga bagay na nabubuhay lamang sa aking guni-guni. Mga bagay na hinding-hindi ko makikita sa aking pagdilat. Pagod na ako sa pananaginip. Pagod na pagod na.

Higit sa lahat ay gusto ko na ding lumayo. Gusto kong liparin ng hangin hanggang sa marating ko ang isang lugar na walang makakakilala sa akin. Kung saan walang mananakit at pwede akong mamuhay ng masaya. Isang lugar na hindi alam kung ano ang pangalan ko. Gusto kong makalimot at gusto kong ako'y inyong makalimutanAng pangalang gamit ko at ang mukhang ito ay nararapat lamang na hindi na makilala dahil sa ako'y pagod na.



Martes, Enero 24, 2012

UMULAN MAN O UMARAW



Nagising na lang ako sa ingay ng aking kasama sa dorm na aming inuuphan. Tamang-tamang tama naman ang gising ko para makapag-almusal at makaligo para pumasok sa isang unibersidad sa Maynila kung saan ako ay nag-aaral. Nasa ikaunang taon pa lang ako noon sa kolehiyo at ako'y isang estudyante para sa kursong Tool and Die Engineering Technology. Madalas kong itanong sa aking sarili kung bakit iyon ang kursong aking kinukuha. Una pa lang ay alam ko na sa sarili ko na pagsusulat ang hilig ko, kaya ganoon na lang ang aking panghihinayang dahil sa 'di ko nakuha ang kursong Journalism. Ito ay dahil sa hindi umabot sa kota ang mga grado ko noong ako'y nasa hayskul pa lang.

Nag-inat-inat muna ako at pagkatapos ay bumangon na para magtimpla ng kape. Binuksan ko ang bintana at makulimlim na kalangitan ang bumungad sa akin. Alam ko na uulan at agad-agad kong hinanap ang aking payong at inilagay ko iyon sa aking bag para 'di ko na makalimutan.


Pagkatapos maligo ay dali-dali akong umakyat papasok sa kwarto para ayusin ang aking buhok at makapagbihis.Hindi ako nagkamali dahil bumuhos nga ang malakas na ulan habang ako'y naglalakad papasok sa aking unibersidad. Walang nagawa ang aking payong para ako'y protektahan sa malakas na buhos ng ulan. Basang-basa  na ako at nilalamig kaya nagpasya muna akong magpalipas ng ulan sa isang convenience store malapit lamang sa aming unibesridad. Doon ko masayang pinagmasdan ang mga estudyanteng naglalakad at tila hindi iniinda ang ulan.

Lumipas ang ilang minuto ay 'di pa din tumitila ang ulan kaya ako ay nagpasyang tumuloy na para hindi mahuli sa klase kahit malakas pa din ang ulan. Dumating naman ako sa tamang oras kaya ako ay natuwa. Nawala lang ang magandang timpla ko nang dumating na ang aming propesor na talagang 'di ko gusto dahil hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi. Hanggang sa namalayan ko na lang  nauwian na para makapag tanghalian. Sumama ako sa mga bago kong kakilalang kaibigan para may makasabay ako sa pagkain. Matapos kaming kumain ay tumuloy muna kami sa SM Manila para magkantahan at maglaro. Masaya noong mga oras na iyon dahil sa ako'y may mga nakakasama at nakakausap na. 'Di tulad ng dati na lagi akong mag-isa at nangangapa pa sa paghanap sa mga dapat kong kakaibiganin.

Matapos ang walang humpay na paglalaro at kantahan ay kinailangan na naming bumalik para sa panghapon na klase. Masaya ang unang oras dahil sa aming propesor na balak pa ata daigin si Vice Ganda sa larangan ng pagpapatawa. Ang iba ay nagtatawanan at ang iba naman ay pinagtatawanan pag sila na ang napagtripan
. Madalas, sa bandang likuran kami pumepwesto para 'di masyadong napapansin ng mga propesor habang kami ay naghaharutan at tawanan.

Alas kwatro na ng hapon kaya uwian na. Maulan at madilim pa rin ang langit.
Hinayaan ko na lang na ako'y mabasa kesa magtagal pa ako sa kakahintay na tumigil ang ulan.Maayos naman akong nakarating sa aming dorm at nadatnan ko ang aking kasama sa kwarto na nakahiga sa kama nya habang nakikinig ng radyo. Matapos kong magpalit ng damit ay nahiga din ako sa kama ko at'di ko namalayan na nakatulog  pala ako.

 
Malakas pa din ang ulan nang ako'y magising. Gutom na ako pero 'di pa din  makakain dahil delikado pang lumabas. Nalaman ko na lang na sa balita may bagyo pala. Nanatili na lang ako sa kama habang nakikinig sa radyo. Nakatitig sa kisame at nagbabaliktanaw sa pait ng kahapon. Sadyang napakarasarap talagang alalahanin ang mga bagay-bagay na nagdulot sa atin ng kalungkutan habang sumasabay sa iyong pag-iyak ang malakas na buhos ng ulan.

Bigla na lang nagambala ang aking pagmumunimuni dahil sa isang tawag sa aking cellphone. Hindi ko naman talaga kilala ang tumatawag pero sinagot ko pa din. Nalaman kong lalaki ang kausap ko  nang kami ay nagsimulang mag-usap.

Ugali ko naman talaga ang makipagusap kahit sa mga talagang 'di ko kilala at natuwa ako dahil sa alam kong matalino ang kausap ko noong mga oras na iyon. Marami kaming napagusapan. Hindi ko na din inisip kung nagsisinungaling lang sya dahil sa hindi ko naman talaga sya kilala. Basta ang alam ko ay myembro sya ng ikatlong kasarian, ganun lang kasimple.

Sa wakas ay huminto din ang ulan. Oras na para ako'y lumabas para kumain. Dumiretso agad ako sa isang kainan at dun ako lumantak ng bulalo  na tamang-tama sa panahong maulan at malamig. Pagkatapos kong kumain ay naglakad-lakad muna ako saglit bago bumalik sa dorm.
 
Namalayan ko na lang na nagmamadali akong nagbihis at naglalakad. Pansamantala akong huminto sa tapat ng Sta. Isabel college habang naghihintay ng jeep na masasakyan papunta sa Pedro Gil. Habang ako ay nasa jeep ay kausap ko ang lalaking nakilala ko lang kanina sa cellphone higit isang oras pa lang ang nakakaraan. Tinuro nya sa akin kung saan ako bababa para kami'y magkita.

Dumating na nga ako sa babaan at oras na na para ako'y bumaba. Sa harap ako ng isang
convenience store pumwesto at dun ako naghihintay para sa lalaking aking kakatagpuin. Bigla na lang akong natawa sa sarili ko dahil 'di ko pala alam kahit pangalan ng lalaking iyon pero heto't kakatagpuin ko sya. Marami akong iniisip tungkol sa kanya at ang tangi ko na lang inalala ay ang sinabi nya sa akin na sya ay may maliit na kwartong inuupahan at sya ay estudyante ng De La Salle University.


Matapos ang ilang minutong paghihintay ay dumating ang isang lalaking may dalang payong. Lumapit sya sa akin at nagpakilala sa pangalang Bogs. Sya daw ang kausap ko sa cellphone at ang hinihintay ko. Niyaya nya akong pumunta sa kanyang tinutuluyan at ako'y pumayag naman.

Alam kong hindi naman sya kagwapuhan pero talagang malakas ang dating at matalino. Habang kami ay naglalakad ay marami kaming nakakasalubong na paminta sa lipunan at kung makatitig sa amin ay parang nang-uuyam. 'di rin naman namin sila masisisi dahil ano ba naman ang gagawin namin sa lugar na iyon gayong lugar iyon para sa mga makakating laman.
Nakakamanghang makita na buhay na buhay pa din ang Malate at madami pa din ang mga gimikerong nag-abala kahit maulan para rumampa at maglasing.

Matapos naming madaanan ang Robinsons Ermita ay tumuloy kami sa isang condo unit na halos katabi lang ng mall na iyon. Pagbukas ng pinto ay isang malawak na kwarto na walang laman kundi kama at isang ref lang ang bumungad sa akin. Pinatuloy nya ako at inalok ng chocolate cake. 'Di ko na rin kinain 'yung cake at ako'y umupo na lang sa kama. Doon ko na inumpisahan ang pagtatanong sa kanya dahil sa ako'y litung-lito na sa pagkatao nya. Matapat naman nyang sinagot mga tanong ko at naunawaan ko naman kung bakit kinailangan nyang magsinungaling sa akin sa umpisa.

Sino ba ang mag-aakalang ang lalaking iyon ay anak mayaman? Hindi na rin naman bago sa akin iyon dahil lahat naman na naging syota ko ay mayayaman at mayayabang. Merong may kotse at lagi akong dinadala sa tagaytay at dun pa kami madalas mag-sex sa loob ng kotse nya. Marami sila, halos di ko na nga sila mabilang at maalala e.


Sumalampak syang bigla sa kama at nag-aral para sa exam nila para sa susunod na araw. Pinag-mamasdan ko ang mukha nya at dun ko napansin ang maganda nyang mga ngipin ng sya'y ngumiti. Masyadong bagay din naman ang pangalan nya sa itsura at katawan nya dahil malaking tao ito. Pero di ko lang alam kong iyon ba talaga ang totoo nyang pangalan dahil sa pati facebook account nya ay ayaw nyang ipaalam. Masyadong nababalutan ng kasinungalingan ang paligid pero hinayaan ko na lang. Ang tanging alam ko ay masaya na akong kasam at kausap sya.


Napansin kong tumatagaktak na ang pawis nya at pinunasan ko iyon. Tinanong ko  kung nag-iinit ba sya sa akin at tanging ngiti lamang ang kanyang isinagot. Masyado nga syang mahiyain at alam kong iisa lang ang hinahanap at kailangan nya. Habang sya ay nag-aaral ay nagsimula akong mang-asar at mang-takam. Inumpisahan ko sa pagkwento ng mga nakakalibog hanggang sa ang mga paa ko'y ipinatong ko sa kanyang pwet dahil sa sya'y nakadapa.

Napansin kong may epekto naman ang ginawa ko at ang sumunod na eksena ay ipinatong na nya sa mesa ang mga libro na inaral na nya. Pinatay nya ang ilaw at tumabi sya sa akin. 'Di na nga sya nakatiis at akoy bigla nyang niyakap. Masyadong malikot ang kamay nya at ang maamong mukha nya ay parang naging tigre sa sabik. Hinubaran nya ako habang ako'y kanyang hinahalikan. Mas naging mapusok pa sya hanggang sa sinubo na nya ang aking ari. Para akong nasa langit ng mga oras na iyon. 'Di naman bago sa akin ang mga pangyayaring iyon pero 'yun na yata ang pinakamasarap at masaya. Matapos ang ilang minuto ay sumabog na ako at masaya nyang kinain ang bunga ng kanyang pinaghirapan.


Sa sobrang lamig ay napasarap ang tulog ko. Ginising na lang ako ni Bogs at sabay na kaming lumabas dahil sa sya ay papasok na din. Habang kami ay naglalakad ay halos 'di kami nag-uusap. 'Yung tipong hindi kami magkakilala at walang nangyari.


Sa UP manila kami naghiwalay at sumakay agad ako ng jeep para makauwi at para ihanda din ang sarili sa pagpasok. Hanggang sa klase ay 'di pa rin ako matapos sa kakaalala ng mga naganap noong nakaraang gabing iyon.. Ang gabing naulit pa at talagang nagmarka sa aking isipan.


Lunes, Enero 23, 2012

MAILAP NA PAG-IBIG




















                        

Lahat tayo ay kailangang dumating sa puntong pag-aralan ang sinig ng pagmamahal. Dahil sa ito'y nakatakda at hindi pwedeng iwasan. Pag-ibig na nga yata ang pinakamakapangyarihang salita sa mundong ito pero madalas ito ang nakakapanakit sa ating mga puso't isipan. Mayroong iba't ibang uri ng pag-ibig. May pag-ibig na makasarli, nananakit, mapagkunwari, maawain, nakakulong at malaya.

Ano nga ba ang makatotohang kahulugan ng pag-ibig? Masasabi kong ang pag-ibig ay mapagbigay, maunawain at higit sa lahat ay gumagawa ng tama. Masakit isipin at tanggapin ang katotohanang sa larangang ito ay hindi lahat pantay-pantay dahil kailangang may magwagi at masawi.
 

Ito'y parang isang laro na kailangan mong pagsumikapan at pag-aralan para sa huli'y ikaw ang matitirang nakakapit para yakapin ang iyong mundo. Sinasabi din na ang pag-ibig ay may buhay, ngunit minsan ito'y nakakamatay. Dapat matuto kang magdala at 'wag hayaang anurin ka nito papunta sa panganib.

Alam kong wala naman tayong ibang hiling kundi ang irespeto at mahalin din ng mga taong ating talagang minamahal, pero lagi lang natin dapat pakatatandaan na ang respeto at pagmamahal ay hindi hinihingi o nabibili dahil ito'y ating matatamo kung talagang para sa atin.

Kailangan lang nating maniwala na may mga nakatakdang tao para sa lahat. Sila ay darating sa takdang panahon at oras para itama ang mga pagkakamilng nagawa at bumuo ng mga alaala ng magkasama. Kailangan lang maghintay at 'wag magmadali.

Bakit nga ba may pag-ibig na hindi matumbasan? Bakit kung sino pa 'yung talagang mahal natin ay sila pa 'yung ayaw? At bakit may mga taong 'di naman natin mahal pero sila naman itong namamalimos ng kahit konting pagmamahal mula sa atin.?

Ganyan nga talaga ang katotohanang kailangan nating yakapin. Totoong nakakapraning ang magmahal at kailangang nating masanay at mamuhay kasama ito. Ito ay isang patunay lamang na ang pag-ibig ay 'di ka lang parang bumibili sa tindahan ng kung ano ang gusto mo at pagkatapos ay maghihintay ng sukli. Ito nga ay para sa atin  pero madalas ay mailap sa karamihan. Ang tanging mahalaga ay natututunan natin ang mga leksyon na dala nito sa ating mga buhay at magagamit natin para mas maging matatag at matalino sa patuloy na pagharap sa mga araw pang darating. Kung ikaw man ay nasaktan ay  'wag mangamba dahil sa hindi lahat ng kwento ay masayang nagwawakas.

Linggo, Enero 22, 2012

IDENTITY CRISIS

Lahat tayo ay may pagkakakilanlan. Pero sadyang may mga taong kahit sarili nila ay 'di makilala. Maraming  mga  bagay nga sa mundo ang nagiging dahilan ng ating pagkalito sa ating mga sarili para makabuo ng mga katanungan na dapat mabigyan ng mga kasagutan. Karamihan sa mga dahilang ito ay bunga lamang ng ating mga kilos at gawa at maging ng mga taong nasa paligid natin.

Isama nyo na ako sa bilang ng mga taong litung-lito sa sarili. 'Di alam kung bakit nagkaganito ang mga bagay-bagay at kung pano ito wawakasan. Isa sa mga nagdudulot ng pagkalito sa akin ay ang aking kasarian. Alam kong hindi ako nag-iisa dahil marami kami at sila'y nasa paligid lamang na nagkukubli at ang iba naman ay masayang namumuhay na malayang ipaalam sa mundo na sila ay kabilang sa ikatlong kasarian.

Sapat bang maging batayan ang ating mga ari, mukha at boses sa pagtukoy ng ating kasarian?
Maaaring ganyan ang itsura at boses mo, pero kakaibang pagkakatao naman ang nasa loob mo na ayaw mong pakawalan para ikaw ay 'wag pandirihan , mahusgahan at ituring na parang ibang nilalang na nagmula sa ibang planeta.

Naniniwala ako na tanging lalaki at babae lamang ang nilikha ng ating Diyos, kaya nga pilit naming binabago ang mali sa aming katawan at isipan. Pero paanon nangyaring magigising ka na lang na mismong iyong puso't isipan ang naglalaban para gawin ang tama. Mali bang sundin ang ating nararamdaman para tayo ay sumaya at makagawa ng tama para sa ating mga sarili? Kelan ba naging mali ang maging masaya? Tama bang aminin natin sa ating mga sarili na tayo ang may mali at mga pagkukulang kaya umabot tayo sa ganitong pagkalito? Masyado nga tayong nabigyan ng kalayaang magawa ang mga gusto natin sa mundong ito, pero bakit may mga bagay na di naman natin ginusto pero tayo ang dinapuan? Marami din ang nagtatanong kung bakit  tayo dumadami gayong wala naman tayong matres para manganak. Masasabi mo bang ito ay nakakahawa at ito'y resulta lamang ng marurupok na damdamin pati na ang kapaligirang ating nakikita?

  Bakit kahit anong pilit mong pagtakas ay wala ka pa ring kawala, dahil sa  pakiramdam mo'y nananalaytay ito sa iyong dugo at kailangan mong mabuhay kasama ito. Isa pa sa lalong nakakapagpalito sa atin ay ang siyensya na naniniwalang ang lahat ng ito ay bunga lamang ng mga abnormalidad na nangyari sa lood ng sinsupunan ng ating mga nanay at nagaganap  na pagbabago sa ating mga katawan. Matatanggap ba nating mga abnormal tayo? Masasabi kong  pwedeng ganun nga , dahil sa hindi normal ang ating pinagdadaanan at ibang-iba sa karamihan.


Sabado, Enero 21, 2012

Si Callboy at ang Parokyano


 Karamihan sa atin ay sa simbahan ang punta tuwing linggo para magsimba at magpasalamat sa panginoon para sa mga biyayang ating natatanggap. Pagkatapos ay sa mga mall ang tuloy para kumain, manood ng sine at mamili ng mga bagay-bagay. Pero lingid sa kaalaman ng marami na ang mga sagradong simbahan pati na mga pasyalan ay pinamumugaran din ng mga taong ganid sa laman.

Talamak ang sistemang ito sa kamaynilaan. Nagkalat ang mga malalaswang gimikan sa paligid ng isang simbahan na bukas kahit tanghaling tapat para sa mga parokyanong handang maglustay ng pera para lamang sa panandaliang aliw. Meron ding mga kung anu-anong pampalaglag na nabibili  at ang pinakasikat sa lahat ay ang isang mall kung saan makikita ang samu't saring nagbebenta ng laman at karamihan sa kanila ay mga estudyante na pinasok ang raket na ito para  may pandagdag sa allowance na ibinibigay ng kanilang  mga magulang na pilit nilang pinagkakasya.

Sino nga ba ang hindi mapipilitang magputa kung sa simpleng paghuhubad, pagpapatsupa at pagtira sa pwet ng mga parokyano ay kikita ka ng libu-libo. Karamihan sa dahilan nila e kung magsasalsal ka ay mapapagod ka lang pero kung magpapabooking ka ay may kikitain ka pa. Isa din sa mga nasaksihan ko ay ang mga callboy na magaling sa takbuhan at taguan, alas nila ang kanilang mga maaamong mukha at nakapaglalaway na katawan, pagkatapos ng tawaran ay dadalhin ka nila sa isang kwartong walang bintana at dun na magsisimula ang maaaksyong tagpo na kung saan dali-dali kang magbibihis at kakaripas palabas para habulin ang lalaking inupahan mo matapos nitong tangayin ang mga gamit at pera mo.

Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga taong positibo sa kinatatakutang HIV  AIDS sa buong mundo ay marami pa din saatin ang hindi magawang mangamba at hindi kayang iwasan ang tawag ng laman at patuloy pa din ang pagrampa sa gabi para galugurin ang mga suluk-sulok para makahanap ng kaparehang makakasayaw sa saliw ng mapang-akit na musika.

Paano nga ba nila nasisikmura ang ganitong trabaho at nagagawang sirain ang kanilang dangal para lamang mabuhay at maabot ang kanilang mga pangarap? Hanggang kelan nila kakapalan ang kanilang mga mukha at lulunukin ang pambababoy sa kanilang mga katawan?


Alam ko na hangga't may mga mapagsamantala ay hindi matitinag ang ganitong sistema at
ito ay magwawakas lamang sa pamamagitan natin, dahil naniniwala ako  na sa sarili natin magsisimula ang pagbabagong inaasam. Lagi din nating pakakatandaan na hindi tayo Diyos para manghusga, manira at mandiri, sapagkat tayo'y mga tao lamang at lahat tayo'y nagkakasala at natututo sa mga aral dito sa mundo  upang bauinin ang mga ito hanggang sa maubos na ang mga pahina ng iyong buhay .

Biyernes, Enero 20, 2012

Buhay Indie

Bakit nga ba tayo nandito? Madilim ang paligid na nababalot ng mga matitingkad at nagmumurang katawan na nagpapainit kahit malamig ang paligid. Isang buwan mong inabangan at ngayon ay nandito ka na. Handang-handa na para tahakin ang makamundong daigdig na gagambalain ang nahihimbing mong damdamin. Habang madami ang nandidiri at galit na galit sa industriyang walang ibang ginawa kundi buksan ang ating mga kaisipan  tungkol sa mga makatotohanang nagaganap sa lipunang iyong kinabibilangan ay 'di ka pa rin nagpatinag, heto ka't sabik na sabik  at pawis na pawis habang matiyagang naghihintay para sa pagbubukas ng makamundong mundo at hayaang maglaro ang iyong isipan hanggang sa  marating ang rurok ng kaligayahan. Sa dinami-dami nating mga tagapanood ay naitanong mo na din ba sa sarili mo kung gaano na kadami ang naintindihan mo? Para saan ba ang paggasta mo para sa mga pelikulang ito? Para lang ba matugunan ang tawag ng iyong laman? Ang buhay ay masyadong maligalig na dapat maunawaan at hindi dapat kinukumplika  ng mga taong walang ibang ginawa kundi bulagin ang ating mga mata para tuluyang hindi masilayan ang mga salita at gawang karaniwang nakikita at nadidinig lamang ng mga taong bukas ang isipan. Naitanong mo din ba sa iyong sarili kung sino ang mga tao sa likod ng produksyon? Saan  nila kinukuha ang mga ideya para makabuo ng epektibo at makatotohanang tagpo? Wala namang ibang pagkukunan kundi tayo, tayong mga tao at ang paligid na nakikita ng ating mga mata. Tayo ay nasa isang demokratikong bansa na napagkalooban ng malayang pamamahayag, pero malaya ba talaga nating naipapahayag ang ating mga nararamdaman gamit ang iba't ibang pamamaraan? Hangga't may mga taong nakasara ang isipan ay patuloy na magsusungit ang lipunan dahil sa ito'y natatakpan at napagiiwanan. Wala namang masama na tangkilikin ang mga pelikulang umiikot lamang sa pag-ibig, katatawanan, at aksyon na halos nagliliparan na ang mga tao at sasakyan. Pano na ang pulitika, prostitusyon, droga at kung anu-ano pa. Wala tayong ibang hiling kundi ang maunawaan, pero papel din natin ang unawain at ipatindi sa mapanghusgang lipunan kung ano ang mali sa tama at tama sa mali.

Huwebes, Enero 19, 2012

Itanong mo sa MUNDO


Maraming bagay sa mundo na halos di na maarok ng ating mga isipan at Madalas kong isipin kung bakit ganito ang mundo. Masyadong malawak pero masikip, maraming tao pero malungkot at tahimik, may pagkain pero may nagugutom, may nagsasalita pero may bingi, may mabango pero may mabaho, may masipag pero may tamad, may matapang pero may duwag, may tapat pero may sinungaling, may maganda pero may pangit, may lalaki at babae, may bakla at tomboy, may tag-ulan at may tag-init, may maputi pero may maitim, may mayaman pero may mahirap at may nakakulong pero may malaya.
Lahat ng bagay ay may kasalungat, may kaugnay at hangganan. Lahat tayo ay may karapatan at nararapat lamang na ito'y huwag  ipagkait sa atin. Para saan nga ba ang buhay? Saan tayo tutungo matapos ang buhay dito sa lupa? Hahayaan na lang ba natin na tayo'y anurin ng mapagsamantalang kapalaran para ilublob sa putikan at tuluyang hindi makabangon?



Bakit di mo subukang lumabas? Pagmasdan mo ang paligid at matutong makiramdam.
Ano na nga ba ang nangyari sa paraisong ipinagkaloob sa atin?
Paano natin isasalba ang lahat sa unti-unting pagkawasak? Lahat tayo ay nahihirapan pero naisip mo man lang ba ang mapaminsalang pagpapahirap natin sa mundo na ating pinamamahayan?Tigilan mo ang pagiinarte kung ayaw mong mismong mundo ang maginarte, pigilan ang kati at tanggalin kolorete, bigyan ang mga nararapat at nangangailangan, igalang ang lahat tulad ng iyong paggalang sa sarili, matutong makinig sa nagsasalita, maging tapat kahit makakasakit at maging matapang para sa mga duwag.Hindi natin hawak ang panahon at totoong ang pagsisisi ay laging nasa huli.